Chakaness

sa lahat ng ayoko ay yung nanlalamang. Ewan ko ba kasi, bakit kelangan pa ng tao manlamang at mangdaya. Wala naman silang mapapala dun, I mean, pare-pareho lang naman tayo na may pangangailangan bakit kelangan pang maging lamang ng isa? Diba?

Eto kasi yung nangyare kanina nung nasa tricycle kami ni mama. Yung umupo sa charity tinanong nung driver kung magkano daw ba singil sakanya kapag dun sya nababa, ang sabi niya, 8 pesos daw. Edi sinuklian na siya.

Unang una palang eh, may duda na ako dun sa babae. Pati nung tinanong sya, ang tagal pa niya bago sumagot, halatang nagsisinungaling. Siguro, maliit na bagay ang 8 pesos para sa inyo, pero sa simpleng tricycle driver tulad ng kanina malaking bagay na yun.
Biruin mo? Dahil lang sa kagustuhan nung babae na makatipid eh nawalan pa ng 8 pesos yung driver. Pambihira talaga. Alam naman kasi ng lahat na hanggang Outpost lang may singil na 8 pesos, eh yung binabaan nung babae eh dun na sa intersection ng papunta sa Asia 2 at Manfil. Buhay talaga. Kailan kaya mtatapos ang mga makasariling kagustuhan nating mga tao?

Post Info
Notes: 2
  1. gummyplops posted this